Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Interview: Senator Risa Hontiveros with Senate Media

Q: Ma'am, na-mention ninyo na bigo pa rin hanggang ngayon na ma-aresto si Mayor Alice Guo. Is it about time po na hingin na nyo ang tulong ng other law enforcement agencies sa paghanap kay Mayor Alice Guo at iba pa na pinapa-aresto nyo?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Sa ngayon po, patuloy pang nagsiserve ng mga cited in contempt, kung warrant of arrest at saka mga subpoena ang Office of the Sergeant at Arms. At patuloy akong umaasa sa OSAA hindi lamang na tuloy nilang tutuparin ang kanilang tungkulin kundi sila po ang mag-gagabay din po sa akin at sa amin kung kailangan nang humingi ng tulong ng ibang mga law enforcement agencies.

Nagawa na rin po natin yan dati sa mga dating mga imbestigasyon so sabihin lamang po ng OSAA na kailangan yung tulong na iyon ay madali po naming hingiin.

Q: Okay. So for now, ma'am, OSAA muna ang magsiserve ng arrest order.

SRH: Yes. For now po, patuloy ang OSAA magsiserve ng mga arrest warrant at pati po yung mga subpoena.

Q: Ma'am, may natatanggap na ba kayo ng mga intelligence report ukol sa whereabout ni Mayor Guo?

SRH: Wala pa po kaming ibang impormasyon bukod sa huling sinabi ng Bureau of Immigration sa amin nung nakaraang hearing na batay sa kanilang impormasyon bukod sa mga magulang ni Guo Hua Ping na umalis sa bansa bago pa sila isyuhan ng ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order. Ang presumption po ng BI ay dahil walang information sa pag-alis ni nina Guo Hua Ping ng kanyang mga kapatid at yung ibang sinerve-an ng warrant of arrest na silang iba pa ay nandito pa sa Pilipinas.

Q: So ma'am, possible kaya na may tumutulong kay Mayor Guo na makapagtago para makaiwas sa pag-arrest? And just in case, ano po yung liability ng sinumang tutulong sa kanya na magtago?

SRH: Well, syempre, posible na kapag ang isang public figure na nito nga hanggang nito lamang ay napaka-active naman sa Facebook ay hindi pa rin maserve-an ng warrant of arrest dahil hindi mahanap, then of course, posible na may mga magtatago sa kanya o nagtatago sa kanya. At kung ganoon, eh posibleng matanong din sa kanila kung hindi ba sila guilty ng obstruction of justice dahil covered na po ng isang citation in contempt at warrant of arrest mula sa Senado.

Q: Sabi po

Read more on legacy.senate.gov.ph