Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of interview: Senator Risa Hontiveros with Senate media

Q: Ma'am, yung po ni-re-raise ninyo about kay Mayor Alice Guo, ano po yung banta noon or dangers noon if mapatunayan nga natin na Chinese siya and parang isang allegation is tinanim siya sa Pilipinas?

SRH: Kung mapatunayan namin na ganyan ang sitwasyon ni Mayor Alice. Kung baga level up yun sa mga nakakaalarma ng mga kaso. Halimbawa, dun sa mga naunang raid ng POGO Hub, na yung mga Chinese na nagtatrabaho dun ay may hawak na mga Pilipinong ID at dokumento. Mula SSS to BIR to PhilHealth IDs.

Tapos level up din yan kung sakali sa mga kaso, halimbawa, ng mga Tsinong na apprehend ng ating embassy sa Bangkok. Mga Tsino pero may hawak na Philippine passports at Philippine birth certificates. Level up yun sa mga kaso ng mga dayuhan dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa na nakakapakinabang sa mga karapatan at benepisyo, social protections na dapat ay para sa Pilipino. O di kaya ay under false pretenses bilang mga diumanong Pilipino gumagawa ng mga krimen o illegal na activities dito o sa ibang bansa. Gamit yung mga sagrado nating dokumento ng identification at miyembro sa iba't ibang institusyon bilang mga Pilipino. Kasi kung mapatunayan na yan din. ang naging ruta ni Mayor Alice. Wow. So hindi lamang binabastos yung integrity ng ating mga institusyon na nag-i-issue nitong mga dokumento ng identification.

Mapapatunayan kung sakali na ginamit na ito upang magkaroon ng foothold. Una sa local economy natin dito sa Pilipinas o kahit dyan sa Bamban. Sa pamamagitan ng ganitong mga, kung sakali fraudulently -held Filipino identification documents. Nakapagbukas ng isang napakalaking POGO hub dyan sa Bamban. Halos 8 hectares ang laki. 36 buildings ang nakatayo. At may mga kapansin-pansin, mga pambihirang mga features na buildings. At nakapag-file pa ng Certificate of Candidacy. Nakatakbo at nanalo bilang isang Pilipino. Bilang isang local government official. So kung mapatunayan namin na ganyan ang sitwasyon, ang bigat talaga ng implikasyon.

And last but not the least, kung mapatunayan pa yung mga iniimbestiga ngayon ng iba't ibang intel agencies ng ating gobyerno, yung anggulong may surveillance at mayroong hacking activities dyan sa pogo hub sa Bamban, maitatanong, yan ba ay

Read more on legacy.senate.gov.ph