Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of interview:Senator Risa Hontiveros on DZBB's Saksi sa Dobol B with Joel Reyes Zobel and Rowena Salvacion

Q: Ma'am, natutuklasan ninyo yung lalo lumalalim yung mga misteryo. Sino ba ang tunay na Alice Leal Guo, ma'am?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Iyon na nga po. At hindi lang sino ang, kasi sino kaya ang mga Alice Leal Guo. Kasi meron pa palang ibang Alice Leal Guo, at least batay sa NBI record. Meron pong Alice Leal Guo na pinanganak sa Tarlac noong July 12, 1986. Hindi pala yan si Bamban Mayor Alice Leal Guo.

So, naitatanong namin kahapon, ibang tao ba ito? May naganap bang identity theft? Kasi pareho sila ng spelling ng pangalan din, pero magkaiba ang ID picture on file.

Itong Alice Leal Guo na bagong mukha, actually nauna pa nga siyang nagkaroon ng NPI clearance kesa kay Mayor. Pinanganak din sa Tarlac, pero may 2005 address na Quezon City doon sa kanyang NBI file.

Actually, pinuntahan nga ng ilang mga kasamahan niyong members ng media yung address na nakalagay, walang ganun na tao daw doon. At pinaupahan lang yun ang may-ari ng nasabing tirahan, naging parlor pa nga daw. So, nasaan na kaya yung bagong Alice Leal Guo na nasa NBI clearance? Itinanong po namin sa NBI yun kahapon.

Q: Ano sabi po ng NBI ma'am, meron bang ganun klase mga kaso talaga na nangyayari before? Na lahat, pati sirkumstansya mo, kapareho eh. Sinasabi nga natin dito, plakadong plakado. Meron bang ganun pagkakataon before? Kasi baka naman ma'am, may mga, kasi actually, ako may kapangalan din akong wanted eh. Kaya pagka kumukuha ko ng NBI clearance, nagkakaroon po ako ng hit. Oo. Tawag nila doon.

Pero may pagbabago sa mga sirkumstansya namin. Iba ang birthdate namin. Iba yung address namin. Pero ito ma'am, magkapareho talaga. Meron na bang nangyari before? O kakaiba ito? Ito, na unang-unang pangyayari itong natuklasan natin diyan?

SRH: Kakaiba sa, kumbaga, pagtawag pansin sa malawak na bahagi ng publiko. Pero sa ganitong development, eh dapat siguro ang NBI ay nire-review yung mga iba pa nilang files on record kung may kwestyonable din diyan.

Kasi dito, hindi lamang posibleng identity theft. Kailangan pang tanungin na ito bang si Guo Hua Ping natingin namin ang totoong pangalan, nag-assume ba siya ng identity ng isang Filipino woman? Tapos halos isang dekada ang dumaan, siya ba'y tumakbo para

Read more on legacy.senate.gov.ph