Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Senator Nancy Binay's Interview on Pasada Balita/dwIZ 882 with Jon Ibañez

Question: Sa pagkakataon pong ito mga kabalitaan at kabalitaktakan, tayo po'y pinalad na makakausap ang isa sa mga bida dun sa nangyaring mainitang talakayan sa Senado kahapon sa katauhan po ni Senator Nancy Binay, Chairperson of Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking. Senator Binay, good morning po. Jon Ibañez, live na po tayo sa DWIZ, Aliw Channel 23.

Senator Nancy Binay: Yes, magandang umaga Jon at magandang umaga sa lahat ng nanunood at nakikinig ng programang Pasada Balita.

Q: Kamusta na kayo sa Senator Binay? Nakapag-almusal na po ba kayo?

SNBA: Hindi pa nga. Hindi pa tayo nag-almusal. Sandali ha, natanggap mo ba 'yung tanong na itatanong mo sa akin ngayong umagang ito?

Q: Actually yan nga po ang itatanong ko sa inyo. Naipadala nyo na po ba ang tanong?

SNBA: Kasi FYI bahagi ka ng sampung interview.

Q: Baka pang-labinlima pa ako kaya hindi pa nakakarating ang script ng tanong sa akin.Anyway, seriously speaking, Sen. Binay, saan po nagkaroon ng mainitang pagtatalo? Anong pinagugatan? Ito po ba yung hinggil sa delay ng construction ng New Senate Building o yung sa presyong pinago-usapang billion?

SNBA: Ang sa akin kasi, Jon, kung napanood mo 'yung buong hearing na ginawa niya, nagmo-monitor kasi ako sa kwarto ko at kitang-kita ko na hindi makapagpaliwanag nang maayos yung mga taga-DPWH, na tuwing mage-explain sila, pag hindi niya gusto ang paliwanag, pinahihinto niya sa pagsasalita. So parang lumalabas, na sabi ko nga it reminds me of 2015 na binubully niya ang resource persons. So kita naman na parang mayroon na siyang conclusion na dapat ang DPWH ang mga sagot nila, e nag-susupport dun sa kumbagang tinutumbok niya na issue doon sa Senate building. At uulitin ko rin, di ba? Di ba may kasabihin nga na fool me once, shame on you, fool me twice, shame on me. Eh, kitang-kita natin, di ba? Same senator, may building. May hearings kasi nabanggit din niya sa opening statement niya na hindi lang isang hearing ang gagawin niya pagdating dito sa building. So alam ko na at the end of the day ang tinutumbok niya ay sirain ulit ang pangalan na Binay dahil-- let's go back to 2015, 2016, na meron silang pinatakbo laban sa kapatid ko nung 2016, eh di

Read more on legacy.senate.gov.ph