Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Senator Nancy Binay's Interview on Gising Pilipinas/Teleradyo Serbisyo 630 with Alvin Elchico and Doris Bigornia

Question: Senator Nancy, good morning po.

SNBA: Magandang umaga Alvin and Doris and magandang umaga sa lahat ng sumusunod sa programang Gising Pilipinas.

Question: Nasaan na po iyong mga questions? (laughs)

SNBA: Natanggap niyo na ba? (laughs)

Question: Hindi na ma'am, baka pwedeng sa viber na lang. Sus Maria Joseph, for the record nandiyan si Sen. Nancy never po nagpapadala ng tanong yan. Hirap nga kami imbitahin yan kasi busy nga siya. Busy kakahugas ang plato? Correct. Hindi po nagpapadala ng ano mga tanong yan. Wala yan. Sorry naman.

SNBA: Kaya nga po nagulat tayo doon sa binitawang salita ni Sen. Alan Cayetano at hindi ito interview ha, yung accusation na ginawa niya. It already forms part of the record of the Senate dahil sinabi niya on official hearing of the committee na sinasabi niya na dun sa sampung interview ko, ako daw ang nagbibigay ng tanong dun sa nag-i-interview. Naging bahagi kayo ng sampung na yan.

Question: Kasali ba kami doon? (laughs)

SNBA: Kasali kayo doon sa nabigyan ko ng tanong (laughs)

Question: Diumano (laughs) Pero siguro senator Nancy kailangan nating ipaliwanag sa madla kung bakit kayo nagwalkout...

SNBA: Kaya tayo tumayo na kasi i've already made my point. In fact nag-thank you pa nga ako sa kanya bago ako tumayo dahil nasagot naman ng DPWH ang tanong natin kung sa records ba nila, yung amount na sinasabi nila is part of their records. Ang linaw, sinabi ni Usec sa Sandain, no. So kaya tumayo na tayo kasi kumbaga nakuha na natin ang sagot sa tanong na gusto natin masagot. Hindi ko alam napanood ko na lang pagkatapos ng hearing na tinawag pala ako buang ka na day. Sayang. Kung nandun pa pala tayo di sana nasagot ko siya na Bongga ka dong!

Question: Hindi mo na pala narinig?

SNBA: Hindi ko na narinig. Kung alam ko lang di sana bumalik ako sinabi na bongga ka na dong.

Question: Hindi pala napipikon to. Sagot din ng sagot. Akala ko mapipikon to.

SNBA: Hindi ako mapipikon dahil alam ko naman na nasa side ako ng katotohanan. Nagmomonitor kasi ako sa taas sa hearing. Nakita ko na ang script na ito na kitang kita naman na kapag magpapaliwanag ang DPWH pag hindi niya gusto ang sagot hinihinto niya yung resource person. Talagang basang basa

Read more on legacy.senate.gov.ph