Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Senator Risa Hontiveros press conference

Q: Nagdedeny pa rin po ng kampo ni Alice Guo, na nakalabas na po siya ng bansa. Gaano po katibay yung evidence na hawak nating? And can you explain it to us?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Medyo matibay-tibay. Pagkatapos ibigay yung information ng ating National Bureau of Investigation, nag-cha-chime-in yung ibang mga authorities sa ibang mga bansa din dito sa ating bansa. Iba't ibang sources ng dagdag at corroborating information. Kaya kung nagpupumilit pa rin ang kampo ni Guo Hua Ping, na nandito siya, medyo mabigat ang kailangan nilang patunayan. At mabibigat yung kailangan nilang i-discredit na mga information mula sa mga very credible sources na may interest sa kasong ito.

Q: Anong countries po, you said information from other countries?

SRH: Binubuo pa rin namin yung complete list na iyon. Pero mas masasabi na namin pagdating sa susunod na hearing.

Q: But right now, ma'am, ano po yung clear kung nasaan po siya ngayon?

SRH: Ang clearly established mula sa office ko at komite namin ay hanggang sa Singapore. Pero may mga further information pa na aming i-eestablish pa. Mukhang masyado siyang maluwag na nakakakilos. Kaya nga't yung pinakahuling panawagan ko ay sa Department of Foreign Affairs na kanselahin na yung kanyang passport. Lalo na't napatunayan na natin, ng NBI at sa aming imbestigasyon, hindi siya Pilipinong mamamayan. So wala siyang "K" humawak ng Philippine passport at gamitin nito para umiwas sa pag-effect ng warrant of arrest ng Senado.

Q: Bakit po hindi? Bakit daw po hindi nakacancel ang Philippine passport?

SRH: Publicly, nanawagan na nga po ako sa DFA na kanselahin na yung kanyang passport. And in the same way na sinabi ko dati na yung sandaling napatunayan ng NBI na parehong fingerprints ni Guo Hua Ping at ni Alice Leal Guo na dapat dinismiss na siya mula sa pagiging mayor. Gayun din, dapat sana oras na na-put into question yung karapatan niya na humawak ng Philippine passport bilang hindi na nga siya Filipino national, eh dapat sana nakansela na rin ang passport niya at that point.

Q: Sabi po ng notary public, he is insisting na nakita during the counter affidavit na ninotarize po. Do you think pabalik-balik po siya dito sa Pilipinas?

SRH:

Read more on legacy.senate.gov.ph