Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Villanueva: Unli baha?

I. INTRODUCTION

Patindi nang patindi ang baha

Mr. President, esteemed colleagues, I rise today on a matter of personal and collective privilege.

Kung maaari lamang pong i-tuon natin ang ating pansin sa mga screen para sa isang maikling video.

Karamihan po ng mga binaha sa video, isa lang po ang hiling: masaklolohan at ma-rescue sila. Kaya nais po nating magpasalamat sa mga bayani ng ating bayan -- ang ating mga rescuer, social worker, pulis, coast guard, health worker, kasama na po ang mga magigiting na miyembro ng media, at mga weather forecaster ng PAGASA -- na hindi matatawaran ang hirap at pagod tuwing may bagyo at pagbaha.

Tayo rin po ay nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng 36[1] na mga kababayan nating nasawi dahil nalunod, nakuryente, at nabaon sa mga landslides noong kasagsagan ng bagyong Carina.

Mr. President, halos sampung taon na po ang nakararaan, sa kasagsagan ng baha sa Hagonoy, Bulacan, may nakita po tayong isang palutang-lutang na sasakyan, isang CR-V po, itinali na po ng may-ari sa poste para huwag matangay ng rumaragasang alon.

Tanong ko po sa sarili ko - ano kaya ang pakiramdam na 'yung pinaghirapan mong ipundar na ari-arian, wawasakin lang ng baha?

Senate Initiatives, from 2016-present

Isa po ito sa nagbigay sa atin ng dahilan para tumakbo sa Senado noong 2016. Ang paniwala ko po, kung mapapabilang tayo sa institusyong ito, may magagawa po tayo para masolusyonan o maibsan man lang ang malagim na sitwasyon ng ating mga kababayan sa Bulacan tuwing may baha.

Sabi ko rin po sa sarili ko - I want to be part of the solution.

Kaya unang taon pa lang po natin dito sa Senado - noong Agosto hanggang Setyembre ng taong 2016, nakiisa na po tayo sa mga pagdinig hinggil sa estado ng pagbaha sa bansa.

Pinondohan din po natin ng P10 milyon ang feasibility study ng DPWH para alamin kung ano ang mas siyentipikong mga paraan para solusyonan ang tumitinding baha sa Bulacan. Nang matapos ang feasibility study, ayaw naman i-implement kesyo kulang pa at kailangan pa ng dagdag na pondo!

Taon-taon din po, ni-re-raise natin ang isyu ng matinding pagbaha sa budget hearing ng DPWH.

Noong Setyembre 2022, matapos pong masawi ang limang PDRRMO rescuers sa

Read more on legacy.senate.gov.ph