KWENTONG HALAW SA MGA ALIMANGO NG CATANDUANES, WITTY NA, WAGI PA!
Nagbunga ng parangal ang malikhaing kaisipan ni Ginoong Paul John C. Padilla, Teacher II mula sa Virac Pilot Elementary School sa Catanduanes nang masungkit niya ang First Prize sa Storybook for Young Readers-Category 1 – Grade 5 sa nakaraang 4th National Competition on Storybook Writing (NCSW) na ginanap sa Tanza, Cavite dahil sa kaniyang akdang halaw sa alimango ng Catanduanes.