P1 biyong binuhos para sa ‘WaSH’ program ng LGUs – Pangandaman | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Masayang inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na aprubado at pirmado na ng kanyang opisina ang pagpapalabas ng higit-kumulang na P1 bilyong pondo para sa pagpapatayo, pagpapalawak, at pag-upgrade ng mga proyektong water, sanitation, at hygiene (WaSH) facilities sa mga kwalipikadong local government units o LGUs sa buong bansa.