Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Xian Lim nakatanggap ng 'banta sa buhay' matapos hiwalayan kay Kim Chiu | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinahagi ng Kapuso actor na si Xian Lim ang ilang pinagdaraanan matapos ang hiwalayan sa dating nobyang si Kim Chiu, kabilang na rito ang "death threats" laban sa kanya at ilang kapamilya.

Ibinahagi ni Xian ang nabanggit sa panayam ng GMA Integrated News matapos aminin ang relasyon sa film producer na si Iris Lee.

"It's gotten out of hand na and that's just the painful part of it... I'm getting death threats, my mom is getting death threats," wika niya.

"That's the gravity of situation I'm dealing with na... My family does not deserve that."

Una nang sinabi ng aktor na nagsimula lang silang mag-date ni Iris matapos ang hiwalayan kay Kim, habang idinidiing hindi pa sila kasal o live in.

Wika pa niya, kaya niyang salagin ang ilang maasasakit na salita ngunit hindi raw magandang nadadamay pa ang kanyang nanay at lola.

Naiintindihan aniya ng aktor na nasaktan ang ilang fans dahil sa pagtatapos ng kanilang 12 taong relasyon, ngunit idiniin niyang silang dalawa mismo ang unang nasaktan sa nangyari.

Disyembre 2023 lang nang ma-tsismis ang diumanoy' paghihiwalay ng dalawa matapos burahin ng aktor ang kanilang mga videos magkasama sa YouTube.

Sa kabila nito, inilinaw ni Xian na hindi sila magkaaway. Gaya ng aktres, bukas na bukas din daw ang kanyang panig na makatrabaho uli ang ex-girlfriend.

Pareho na silang nagtratrabaho sa GMA-7 ngayong nasa Kapuso Network na ang "It's Showtime."

Read more on philstar.com