Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

3-anyos hinalay, pinatay ng 72-anyos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 3-anyos na batang babae ang pinatay at ginahasa ng 72-anyos na kapitbahay ng biktima sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Captain Mingfie Santillana, officer-in-charge ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police, natagpuan ang bangkay ng paslit may 30 metro ang layo mula sa kanilang bahay sa bayan ng Senator Ninoy Aquino.

Napatay naman sa follow-up operation ang suspek na si Rolando Baylon, Sr.

Batay sa naantalang report, nangyari ang krimen noong Setyembre 26 habang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang nanay at tatlong kapatid.

Bigla na lang umano silang pinasok ng suspek na armado ng jungle bolo at tinangkang gahasain ang ina ng mga bata. Nakatakbo raw ang ina at naiwan sa loob ng bahay ang mga anak.

Sa pahayag ng 8-anyos na kapatid ng biktima, dito na pinagdiskitahan ng suspek ang 3-anyos.

Dahil sa pag-iyak ng biktima, pinagpupukpok umano ito ng suspek ng bato sa ulo kaya nawalan ng malay at dinala ang bata sa lugar kung saan ito natag-puang patay.

Bukod sa tinamong sugat sa ulo, may laceration din umano sa ari ang bata, base naman sa resulta ng medico legal.

Nasakote sa isinagawang operasyon ng pulis ang suspek subalit nanlaban na humantong sa pagkamatay nito.

Dati nang nakulong ang suspek sa kasong murder noong 2018 at kakalaya lang ngayong taon.

Read more on philstar.com