38 Pinoy sa Israel gusto nang umuwi | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Nasa 38 Pinoy ang humiling sa pamahalaan na mapauwi na sa Pilipinas sa gitna ng mga pag atake ng teroristang grupong Hamas sa Israel.
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, matapos kumpirmahin na may siyam na pamilya o 30 katao mula sa Gaza ang humihiling ng repatriation.
Sa kabila nito, iginiit naman ni De Vega na “complicated process” ang nasabing repatriation dahil sa sitwasyon sa Gaza.
Subalit, patuloy naman umano ang ginagawang hakbang ng Philippine Embassies sa Tel-Aviv, Cairo at Amman ay patuloy na tinatrabaho ang repatriation sa mga Filipino mula sa Gaza.
Sa pinakahuling update mula kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, na mayroong siyam na pamilya mula sa Amman, Jordan na binubuo ng 38 Filipino nationals at 11 mag-asawang Palestinians.
Sa 38 Filipinos, 17 dito ay menor de edad sa pagitan ng 2-15 taong gulang.