Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

4 na planeta makikitang 'nakahilera' sa ika-4 ng Abril — PAGASA | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makikitang nakahilera sa isang "planetary alignment" ang Venus, Saturn, Mars at Neptune sa mga himpapawid ng Pilipinas pagsapit ng Huwebes ng madaling araw, ayon sa isang pahayag ng state astromomists.

Makikita ang pagpila ng apat na planeta bandang umaga ng ika-4 ng Abril 2024. Karamihan sa mga planeta ay kayang makita kahit walang gamit na teleskopyo.

"The planets Venus, Saturn, and Mars can be seen with the naked eye, however, viewing Neptune will require a modest telescope or high-powered binoculars," sabi ng PAGASA.

"A planetary alignment is a term used in astronomy to describe the phenomenon when multiple planets gather closely on one side of the Sun at the same time."

"This provides a stunning celestial display that can be observed without the need for special astronomical equipment."

Bagama't walang eksaktong oras kung kailan ito mismo makikita, ipinasilip ng PAGASA ang paghihilera ng mga nabanggit bandang 5:15 a.m. gamit ang Stellarium Software.

Hindi gaano makikita ang Mercury ngayong Abril dahil sa lapit nito sa araw habang mapapansing mababa sa kalangitan ang Venus tuwing umaga.

Matatanaw ang Mars at Saturn sa mababang bahagi ng eastern horizon hanggang matapos ang buwan. 

Makikita sa kanluraan ang Jupiter matapos lumubog ng araw ngunit magiging mahirap itong tanawin sa mga huling linggo ng Abril dahil sa sikat ng araw.

Read more on philstar.com