Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Alamin kung ano ang mindful snacking sa 5th ‘State of Snacking’ report sa Pilipinas | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas ng global snacking company na Mondelez International ang ikalimang edisyon ng State of Snacking report. Ayon dito, ang mga mamimili ay kumakain ng mas maliliit na portion ng pagkain, nagmemeryenda nang may atensyon at intensyon, nananatiling tapat sa kanilang mga paboritong brand ng meryenda, at pumipili ng mga meryenda na ginawa sa sustainable na paraan.

Sa isang panel discussion tungkol sa State of Snacking sa Pilipinas, kinumpirma ng mga eksperto na ang mga Pilipino ay mas nagpapahalaga ngayon sa kanilang well-being at sa kapakanan ng planeta.

Ang State of Snacking ay isang pandaigdigang pag-aaral ng mga consumer trends na sumusuri sa mga insight sa kung paano gumagawa ang mga consumer ng mga desisyon sa meryenda o snacks.

Ang ulat ay binuo sa pakikipagtulungan sa The Harris Poll. Ito ay inilunsad limang taon na ang nakakaraan bilang suporta sa misyon ng Mondelez International na pamunuan ang future ng snacks.

Ang nakalipas na kalahating dekada ng pagsubaybay sa mga saloobin at gawi ng libu-libong mga consumer sa 12 bansa ay nagpakita ng pare-parehong trendline ng mga consumer na nagpapakita ng preference para sa snacks kaysa sa meals.

Upang maunawaan kung paano nagmemeryenda ang mga Pilipino, isang panel discussion ang pinangasiwaan ng Mondelez International kasama ang mga eksperto sa larangan ng nutrisyon, well-being, snacks at sustainability. Narito ang ilang insights na natuklasan ng panel discussion:

Alinsunod sa huling limang taon ng data, patuloy na ginugusto ng mga mamimili ang mga meryenda kaysa sa mga tradisyonal na meals noong 2023.

Ayon sa isang panelist na si Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, rehistradong nutritionist-dietitian at dating director ng Food and Nutrition Research Institute of the Department of Science and Technology (FNRI-DOST), “Ipinakita ng research na ang pagkain nang madalas ng maliliit na meals ay nakasalalay sa mga lifestyle habits at kondisyon ng kalusugan ng isang tao. Ipinakita ng research na ang madalas na pagkain nang madalas ng maliliit na meals ay makakatulong na mapawi ang gutom, mapabuti ang kontrol ng appetite at maiwasan ang labis na pagkain. Gayundin, nakakatulong ito para sa mas mahusay na

Read more on philstar.com