Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Alden Richards aminado: Na-'in love' ako noon kay Maine Mendoza | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ng aktor na si Alden Richards na inibig niya noon si Maine Mendoza, bagay na dati niyang nakatambalan sa "Kalyeserye" ng "Eat Bulaga!"

Ito ang kanyang ibinahagi sa "Fast Talk with Boy Abunda" na inere nitong Lunes matapos interbyuhin tungkol sa bago niyang pelikulang "Five Breakups and a Romance."

"Yes [na-fall ako] tito Boy. Yes po," wika niya kay Abunda sa panayam kahapon.

"Hypocrite po ako kung hindi [ko aaminin]. Yes po, ayoko pong sabihing alam niya, but I did confess."

Hindi naman na nag-follow up pa si Abunda sa naturang tanong bilang respeto sa mister ni Maine.

Matatandaang ngayong 2023 lang nang ibalitang ikinasal si Mendoza kay Quezon City Rep. Arjo Atayde, bagay na kilala ring artista.

Aminado rin ang aktor na ang "AlDub" love team niya noon kasama si Maine ang tumatayong "pinakamalaki niyang romansa at hiwalayan" sa tana ng kanyang karera.

Sa kabila nito, malaki ang pagpapasalamat niya sa "Eat Bulaga!" dahil sa mga ibinigay sa kanyang oportunidad.

"AlDub [was also] a breakup, but let's remove the negative context of breakup in this conversation... Because it doesn't necessarily mean that when you're going through a breakup, laging masama, laging masakit, laging malungkot," paliwanag niya.

"It was a breakup because both of us, Maine and I, we needed growth. We needed to venture into our individual lives you know, to learn more and move forward."

Bagama't 2016 pa natapos ang Kalyeserye sa "Eat Bulaga!" ay marami pa ring naniniwalang hindi scripted ang tambalang AlDub.

Matatandaang una nang pinabulaanan nina Maine at Alden ang mga haka-hakang nagkaroon sila ng mga anak sa totoong buhay.

Read more on philstar.com