Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Arellano pinigil ng Ateneo sa SSL volley | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanatiling malaki ang tsansa ng Ateneo de Manila University na umusad sa susunod na round matapos nitong dungisan ang malinis na karta ng Arellano University, 25-17, 25-18, 25-18, kahapon sa 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-reason Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila kahapon.

Nagsanib puwersa sina Zey Pacia at Lyann De Guzman upang akbayan ang Blue Eagles sa panalo at ilista ang 2-1 win-loss record sa Pool A, kasalo nila ang kanilang biktima.

Tumikada sina Pacia at De Guzman ng tig-10 points at pinagsamang 18 attacks para sa Ateneo na tinalo ang Arellano sa kanilang crucial showdown sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Bagama’t nanalo sa tatlong sets, napalaban ang Blue Eagles bago nakuha ang panalo sa Lady Chiefs.

Binigyan ng magandang laban ng Chiefs ang Ateneo sa third frame nang idikit ang kanilang hinahabol sa tatlo, 13-16.

Pero nanatili ang tikas ng Blue Eagles, pumalo ng 8-3 kasama ang kill block ni Pacia at hawakan ang match point advantage, 24-16 sa tournament na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

Sa ikalawang laro, sinikwat ng San Beda University ang kanilang unang panalo nang igupo ang Emilio Aguinaldo College, 25-18, 25-23, 25-22.

Read more on philstar.com
DMCA