Ateneo nakatuon sa pagsosolo sa 4th spot | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Kailangan ng defending champions Ateneo De Manila University na maging agresibo sa opensa sina Mason Amos Joseph Obasa at Jared Brown sa pagharap sa National University sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.
Makikipag-agawan sa No. 4 spot sa team standings ang Blue Eagles sa Adamson Soaring Falcons tangan ang parehong 4-5 kartada.
Magsisimula ang banatan ng Ateneo at NU ngayong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan sa pagitan ng Adamson University at University of Sto. Tomas sa alas-2.
Tersero ang De La Salle University na may 6-3 baraha kaya naman kailangan ng Ateneo na makuha ang panalo.
Sina Amos, Obasa at Brown ang posibleng paghuhugutan ng puwersa ni coach Tab Baldwin para mapalakas ang pagdepensa sa kanilang titulo.
Pero inaasahang mapapalaban ang Blue Eagles sa Bulldogs dahil nasa isip ng huli na makabawi mula sa pagkabigo sa Green Arcgers, 78-88, sa huli nilang laro.
Ipaparada ng Bulldogs sina Jake Figueroa at Pat Yu para ibangga sa mga tirador ng Blue Eagles.
Nasa pangalawang puwesto ng team standings ang NU na may 7-2 marka.