Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

‘Baka online shopping scam ‘yan!’ Paano i-legit check ang mga online seller para iwas-budol | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasko na naman, kaya’t uso ulit ang mga sale at bagsak-presyong promo sa mga bilihin. Sabik man ang lahat na makamura sa Christmas shopping, nagiging talamak din ang pambubudol ng mga online scammer.

Kung hindi maingat sa mga online transaction, madalas ay hindi napapansin ng mga Pilipino na fake seller na pala ang kanilang kausap hanggang sa huli na ang lahat.

Para matulungang protektahan ang mga Pinoy laban sa mga scammer at fake seller, naglabas ng mga paalala at gabay ang GCash kung paano mag-“legit check” sa mga online seller bago ituloy ang transaction.

Sa paglabas din ng Express Send Checkbox feature, may dagdag na paalala para sa mga GCash users na i-review ang details ng seller tuwing nagbabayad gamit ang Send Money.

Mag-ingat sa mga seller na wala o halos walang account history. Malimit gumawa ang fake sellers ng bagong account para makapanloko ng iba, lalo na kung na-block o na-report na ang kanilang profile.

Kapag sa social media namimili, gamitin ang “page transparency” feature para ma-verify kung kailan nagawa ang page at ilang beses na itong nagpalit ng pangalan.

Kapag masyadong mababa at hindi kapani-paniwala ang mga presyong binebenta ng isang seller, malaking tsansang hindi nga dapat ito paniwalaan. Binababaan ng mga fake seller ang presyo ng kanilang bentahan kumpara sa average price ng mga bagay para makaakit ng mga mamimili.

Kung hindi nakakasigurado sa pagka-legit ng seller, i-check ang presyo ng isa o dalawa pang seller na nagbebenta ng parehong bagay para malaman kung tama ang bentahan ng napiling seller.

Kapag walang ibang post o review ang seller maliban sa bagay na gusto nilang ibenta, pwedeng bago lamang sila sa platform o hindi pa sila bihasa sa pagbenta online.

Kapag bihasa at legit ang online seller, makikitang consistent ang paglagay ng posts, listing at review sa kanilang mga social media page para bigyan ang mga mamimili ng kaukulang impormasyon tungkol sa kanila at sa kanilang mga binebenta.

1. Tignan ang profile ng seller

Bago magbayad ng kahit anong produkto, suriing mabuti ang seller profile. I-search ang pangalan ng seller o ng online shop para makita kung legit ang business at walang ibang

Read more on philstar.com
DMCA