Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Brownlee mas mabagsik ngayon | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan ang mas mabagsik na Justin Brownlee sa oras na muli itong tumungtong sa PBA Season 49 Governors’ Cup na papalo sa susunod na buwan.

Sariwa pa si Brownlee sa magkakahiwalay na tagumpay sapul nang makakuha ito ng approval mula sa FIBA noong Peb­rero matapos itong masuspinde dahil sa doping violation.

Naglaro si Brownlee sa Indonesian Basketball League kung saan tinulungan nito ang Pelita Jaya na makapasok sa playoffs.

Galing din si Brownlee sa matikas na ratsada ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Nakapasok sa semis ang Pinoy cagers suba­lit natalo ito sa eventual champion Brazil.

Gayunpaman, hindi ma­kakalimutan ang impre­sibong 89-80 upset win nito laban sa world No. 6 Latvia sa group stage.

Balik na sa Pilipinas si Brownlee para naman makasama ang Barangay Ginebra sa Governors’ Cup.

“We need him back as soon as possible because we have new guys,” ani Cone.

Kailangan ni Brownlee na magsanay kasama ang Gin Kings lalo pa’t may mga ilang nadagdag sa lineup nito.

Kabilang na rito sina rookie RJ Abarrientos, Stephen Holt at Isaac Go.

Galing si Abarrientos sa PBA Annual Rookie Draft habang nakuha naman ng Gin Kings sina Holt at Go sa Terrafirma Dyip kapalit nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.

“Hopefully, we’ll be able to teach the new guys the system before he comes back, and then mix them with Justin,” ani Cone.

May tatlong korona na si Brownlee kasama ang Gin Kings habang mayroon itong tatlong Best Import awards sa liga.

Read more on philstar.com