Buhay na buhay ang Texas sports fans | Pang-Masa
Dallas Cowboys at Houston Texan sa National Football League (NFL). Houston Astros at Texas Rangers sa Major Baseball League (MBL). Dallas Mavericks, Houston Rockets at San Antonio Spurs sa NBA (National Basketball Association)
Tulad nga ng ilang beses ko nang sinabi, rugby football ang No. 1 sport hindi lang dito sa Texas kundi sa buong U.S kaya pag may NFL game, lalo na ang Cowboys, lahat nanonood ng game.
Dahil nasa World Series (pinaka-finals na) ang MBL kung saan lumalaban ang Texas Rangers sa Arizona Diamondbacks sa best-of-seven series na tabla ngayon sa 1-1, marami ang nakatutok dito.
Pero gumawa ng ingay ang top draft pick ng San Antonio Spurs na si Victor Wembanyama sa NBA na nakadagdag sa aabangan ng mga Texans.
Talo si Wembanyama sa kanyang debut game sa sariling balwarte ng Spurs sa Frost Bank Center kontra sa Dallas Mavericks, 119-126, pero maraming nanood sa larong ito na ayon sa NBA ay umabot ng 2.99 million viewers.
Tumapos siya ng 15 points (6 for 9 mula sa field), siyam sa final seven minutes matapos maagang ma-foul trouble sa fourth quarter bukod pa sa 5-rebounds, 2-assists at isang block sa 23 minutong paglalaro.
Pero nakatikim siya ng kanyang unang panalo sa NBA matapos talunin ng Spurs ang Houston, 126-122, kung saan nagtala siya ng 21 points, 12 rebounds, isang assist, 2-steals at 3- blocks sa 31 minutong playing time.
Tingnan natin kung hanggang saan madadala ni Wembanyama ang Spurs.