Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Falcons giniba ang Tamaraws | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Tumikada si Joshua Yerro ng 11 puntos upang tulungan ang Adamson University na ikadena ang Far Eastern University, 63-54 sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Nakatuwang ni Yerro sa opensa sina Joem Sabandal at Jhon Calisay na kumana ng 10 at siyam na puntos ayon sa pagkakasunod.

Nasa pang-limang puwesto ng team standings ang Adamson tangan ang 4-5 karta habang nalasap ng Tamaraws ang pang-anim na talo sa siyam na laro.

Nagliyab ang opensa ng Falcons sa kaagahan ng laban kaya naman nahawakan nila ang 15-point lead, 40-25 sa halftime.

Si Sabandal ang isa sa naging susi sa panalo ng Adamson.

“‘Yun ang kailangan namin yung consistency, so we need to work on that, lalo na ako, dapat hindi ako nagko-commit ng turnovers,” ani Sabandal.

Nakitaan ng pagka-pursige ang Tamaraws sa payoff period matapos nitong makadikit pero naging matatag ang San Marcelino-based squad at naitakas ng Falcons ang panalo.

Tumipa si L-Jhay Gonzales ng 18 points at anim na assists habang may 13 puntos ang inambag ni Jorick Bautista.

Sunod na kalaban ng Falcons ang University of Sto. Tomas Growling Tigers sa Sabado ng alas-2 ng hapon.

Read more on philstar.com