'Chapter closed': Kathryn Bernardo kinumpirma hiwalayan kay Daniel Padilla | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pakikipaghiwalay sa aktor dating nobyong si Daniel Padilla matapos ang 11-taon nilang relasyon.
Ilang araw nang usap-usapan ang naturang balita matapos lumabas ang ugong-ugong na split na ang sikat na long-time celebrity couple.
"Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward," wika ni Kathryn sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes.
"I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding."
A post shared by Kathryn Bernardo ???? (@bernardokath)
Una nang naibalitang in-unfollow nina Robi Domingo at Cathy Garcia-Molina si Padilla matapos lumabas ang tsismis na nagtaksil daw ang nabanggit kasama ang aktres na si Andrea Brillantes. Itinanggi ito nina Domingo at Garcia-Molina.
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito