Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

DILG, PNP inatasan paigtingin crackdown vs colorum PUVs | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang crackdown sa illegal public utility vehicles (PUVs) upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Inilabas ni Presidente Marcos ang direktiba kina DILG Secretary Benhur Abalos Jr. at PNP chief Major General Rommel Francisco Marbil sa  Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns na idinaos sa FilOil EcoOil Center sa  San Juan City noong Miyerkoles, April 10.  

Sa naturang pagpupulong, kinondena ng Pangulo ang paglaganap ng illegal PUVs, o ang tinatawag na “colorum,” bilang isa sa pinakamalaking problema ng Metro Manila sa trapiko. Binigyang-diin niya na ang colorum vehicles ang nagpapasikip sa daloy ng trapiko sa major thoroughfares sa Metro Manila. 

Sinabi ng Pangulo na ang presensiya ng libo-libong  “colorum” PUVs ay bibigyang-katuwiran lamang ang pagsisikap ng pamahalaan para sa pinaigting na crackdown, at idinagdag na tanging PUVs na may  lehitimong permits ang ligtas na makapaghahatid ng mga commuter sa kanilang destinasyon.

Hiniling din ni Marcos sa PUV cooperatives at mga katulad na asosasyon na bantayan ang kanilang hanay at tulungan ang mga awtoridad sa kampanya nito laban sa mga kolorum na sasakyan.

“Hindi ko akalain at trenta porsiyento ng pumapasada ay colorum pala,” wika ng Presidente. “Pulis ang mag-i-enforce niyan at titiyakin na may prangkisang tama, kasama sa kooperatiba lahat ng inyong grupo at ng mga ibang transport groups, mga TODA lahat ay kinikilala ang mga magpapasada.”

Sinabi ni Abalos na palalakasin ng kanyang ahensiya, ng PNP, ng Department of Transportation, at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang koordinasyon sa pinaigting na kampanya na ito laban sa mga kolorum na sasakyan.

Samantala, makikipag-ugnayan ang top officials ng Land Transportation Office (LTO) sa iba pang law enforcement agencies sa pagbalangkas ng komprehensibong plano upang tuluyang tuldukan ang ilegal na operasyon ng mga kolorum na sasakyan sa bansa.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na ang anti-colorum campaign ay magiging “mas

Read more on philstar.com