Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Dingdong Dantes windang sa sagot ng 'Family Feud' contestant | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nautal na lang sa gulat ang TV host at "Rewind" star na si Dingdong Dantes matapos muling makatanggap ng pambihirang sagot sa hino-host na Kapuso game show kamakailan.

Nangyari ito matapos niyang ihain sa February 12, 2024 episode ng "Family Feud Philippines" ang tanong na, "Something na ipinapasok sa katawan ng tao."

"T*t*!" sagot ng nagda-dalawang-isip na si Kiks Ferrer habang nire-representa ang koponang TiktoClock Boys. 

Hindi makapaniwala si Dingdong sa kanyang narinig, lalo na't ipapalabas sa GMA-7 ang matigas at barakong sagot ni Kiks.

Layunin ng naturang game show na mag-tulungan ang mga teammates upang makuha ang top responses ng publiko sa ilang piling survey questions. 

Sa kasamaang palad, wala ni isang sumagot ng "manoy" o "junjun" sa mga na-survey kaugnay ng tanong. Aww.

Nakalaban ng TiktoClock Boys ang koponang Team Creazion sa naturang episode, bagay na kanilang natalo.

Ibinahagi nina Kiks ang napanalunang P20,000 sa charitable organization na GMA Kapuso Foundation matapos manalo sa naturang episode.

Matatandaang nag-viral noon ang cosplayer na si Buunja matapos isigaw ang maselang parte ng mga kelot.

Nangyari ito nang mailapag ni Dingdong ng tanong na, "Anong body part ang nagsisimula sa 'T'?" sa October 12, 2022 episode ng palatuntunan.

Walang kaabog-abog at diretsuhan itong sinagot ng babae, bagay na umani ng censorship at kaliwa't kanang tawa ng TV viewers at netizens.

Hindi napigilan ng maraming i-share ang video online, bagay na pinanggalingan ng hindi mabilang na internet memes.

Read more on philstar.com