Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

DOTr inireklamo ng 'cyber libel' transport leader, journo dahil sa corruption allegation | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian.

Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson Mar Valbuena at journo na si Ira Panganiban.

"Marami silang accusation na ako raw ay tumanggap ng pera, ng suhol. Hindi naman totoo," paliwanag ni Bautista sa media ngayong Martes.

"Gusto ko lang protektahan 'yung aking pangalan na inalagaan ko for almost 45 years."

PANOORIN | DOT Sec. Jaime Bautista, inireklamo sina MANIBELA leader Mar Valbuena at journalist Ira Panganiban ng cyber libel. | @lorenztanjoco pic.twitter.com/Iujqw0AbDU

Nangyayari ang lahat ng ito sa ikalawang araw ng transport strike ng grupong MANIBELA para isuspindi ang December 31 deadline para sa consolidation ng mga tradisyunal na jeep kaugnay ng PUV Modernization program — bagay na magdudulot ng phaseout nito.

Matatandaang sinuspindi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III matapos paratangan ng katiwalian.

Lunes lang nang sabihin ni Valbuena sa panayam ng media na minamadali sila ng ilang opisyal na magkonsolida papasok ng mga kooperatiba o korporasyon, at hinihingiang maglagay ng suhol para mabigyan ng rula, provisional authority at special permit para makabiyahe.

"Cybercrime daw po ang ikinaso sa atin. Purely harassment sa atin mga ka MANIBELA???????? tuloy ang laban!" wika ng MANIBELA sa isang pahayag sa Facebook ngayong araw.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang tigil-pasada ng MANIBELA, dahilan para magtalaga na ng mga augmentation vehicle at libreng sakay ang gobyerno para sa mga stranded na mananakay.

Sa kabila nito, naninindigan ang LTFRB at MMDA na hindi naparalisa ng tigil-pasada ang transportasyon nitong Lunes.

"Based on our monitoring as of 11 am, there was no major disruption of public transportation in Metro Manila,” sabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes kahapon.

"Kung ang purpose ng strike ay i-paralyze ang public

Read more on philstar.com