E-Painters, FiberXers umeskapo | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Umeskapo ang Rain or Shine kontra sa UAAP champion na La Salle habang nakatakas din sa overtime ang Converge kontra sa Phoenix sa pag-arangkada ng 39th Kadayawan Invitational Basketball Tournament kahapon sa USEP Gym sa Davao City.
Naukit ng Elasto Painters ang 106-105 comeback win laban sa bagito ngunit palabang Green Archers habang kinailangan ng FiberXers ng overtime bago takasan ang Fuel Masters, 132-127.
Bumida para sa RoS ang import na si Aaron Fuller na humakot ng 33 puntos at 18 rebounds, tampok ang game-winning basket sa huling minuto.
Solido rin ang ambag ni Andrei Caracut na tumikada ng krusyal na lay-up bago ang game-winner ni Fuller para baliktarin ng Elasto Painters ang 102-105 na deficit sa huling dalawang minuto.