Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Eala pasok sa USA ITF quarterfinals | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang laban ni Alex Eala matapos umabante sa quarterfinals ng 2024 Kewer Jewelers Tennis Challenge na ginaganap sa Landisville, Pennsylvania sa Amerika.

Kinailangan ni Eala na bumanat ng husto sa first set bago magaan na makuha ang second set upang itakas ang 7-5, 6-2 panalo laban kay American Mary Stoiana sa Round of 16.

Naantala pa ang laro dahil sa pag-uulan sa venue.

Nakabaon sa 1-2 si Eala sa second set.

Tila naging maganda pa ang pagkakahinto ng laro dahil nakapagpahinga si Eala bago ipagpatuloy ang matikas na kamada nito sa second set kung saan limang sunod na games ang naipanalo nito para makuha ang laro.

“Late night win,” ani Eala.

Makakaharap ni Eala sa quarterfinals ang mananalo sa pagitan nina Talia Gibson at Olivia Gadecki na parehong Australians.

Dahil sa ulan, ipinagpa­liban din ang doubles match ni Eala at Mexican partner Renata Zarazúa kontra kina American duo Mccartney Kressler at Alana Smith.

Read more on philstar.com