Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EDITORYAL — DENR, dapat umaksiyon sa air pollution sa MM | Pilipino Star Ngayon

INAMIN mismo ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang kanilang 138 monitoring stations sa Metro Manila ay hindi nagre-reflect ng tunay na kalagayan ng air pollution. Hindi raw umano nasusukat ng mga monitoring stations ang sea salt at volcanic ash. Ayon kay Chadbert Nikko Aquino, air quality monitoring specialist ng DENR, hindi raw kayang magbigay ng eksaktong sukat ng air pollution ang mga monitoring stations sa iba’t ibang bahagi ng kalakhang Maynila.

Ang pag-amin ni Aquino ay kasingkahulugan na rin na hindi nila alam sa kasalukuyan ang tunay na kalagayan ng air pollution sa Metro Manila. Maaaring hinuhulaan na lamang ang kalidad ng hangin. Nakababahala ang ganitong sitwasyon sapagkat nasa panganib ang kalusugan ng mamamayan sa malalang kalagayan ng hangin sa Metro Manila.

Noon pang nakaraang taon sinabi ng DENR na ang kanilang 33 air monitoring stations sa MM ay hindi na napapakinabangan at kailangan na raw i-upgrade. Hindi na raw nagbibigay nang tunay na kalagayan ng air pollution.

Nagpapakita lamang ito na walang ginagawang aksiyon ang DENR para mapalitan o ma-upgrade ang kanilang monitoring system at nananatiling pahula-hula na lamang sa kalagayan  o kalidad ng hangin sa Metro Manila.

Siguradong malubha ang kalagayan ng air pollution sa Metro Manila dahil sa mga sasakyang yumayaot sa Metro Manila. Karamihan ng mga sasakyan na binubuo ng mga pampasaherong dyipni, bus at taxi ang pinanggagalingan ng nakalalasong usok. Ang mga sasakyan na ito ay hindi na dumadaan sa regular na pagmimintina at takbo na lamang nang takbo.

Mismong ang DENR ang nagsabi na 70-80 percent ng emissions ay galing sa mga tambutso ng mga pampasaherong sasakyan. Ito nagpapalubha sa air pollution. Ang maruming usok na binubuga ng mga karag-karag na sasakyan ang nalalanghap ng commuters. Sa araw-araw na paglanghap sa nakalalasong usok, unti-unti rin ang pagpatay sa mga tao.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga sakit na nakukuha sa paglanghap ng hangin na may lason ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Ayon sa report, 120,000 Pilipino taun-taon ang namamatay

Read more on philstar.com