Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EDITORYAL - Pagguho ng bundok sa Davao de Oro | Pilipino Star Ngayon

Walang tigil ang pag-ulan sa Davao de Oro dahil sa low pressure area. Bumaha sa mga bayan ng Monkayo at Pantukan. Ang pinakadelikadong nangyari ay ang pagguho ng bundok sa Monkayo na ikina­matay ng walo katao. Na-videohan ang pagguho ng bundok at sinagasaan ang mga kabahayan. Nakatutulig ang sigawan ng mga residente habang mabilis ang pagragasa ng lupa, putik at bato. Hindi malaman ng mga residente ang gagawin sa nangyaring landslides.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), ang apektadong pamilya dulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao at Caraga ay umabot na sa 529,583 katao.

Halos mag-iisang buwan na ang nararanasang pag-ulan at pagguho ng lupa sa bundok sa Davao de Oro, partikular sa Monkayo. Noong Enero 18, nagkaroon ng landslides sa Mt. Diwata at 15 ang namatay. Pawang mga nakatira sa gilid ng bundok ang mga biktima. Pina­­niniwalaang ang walang tigil na pag-ulan ang naging­ dahilan kaya nagkakaroon ng pagguho ng lupa. Ma­­s­yado nang maraming tubig ang naipon sa mga bundok kaya lumambot ang lupa at inagos.

Ang Mt. Diwata ay isa sa mga bundok na pinagku­kunan ng ginto kaya maraming gold panners na nag-ooperate sa lugar. Binansagang “gold mountain” ang lugar makaraang madiskubre ang ginto noong 1983. Mula noon, maraming pagguho o landslides ang naganap sa mga bundok doon.

Sa kabila na marami nang trahedya nang pagguho ang nangyari sa nasabing lugar, patuloy pa rin ang pani­nirahan ng mga tao sa gilid ng mga bundok. Pina­payagan pa rin sila ng mga lokal na opisyal sa kabila na mapanganib sa panahon ng tag-ulan na malambot ang lupa. Paulit-ulit ang trahedya pero walang aral na natututuhan ang mamamayan at local government officials (LGUs). Nagkakaroon lamang nang paghihig­pit­ kapag mayroon nang casualties pero makalipas lamang ang isa o dalawang buwan, balik na naman sa paninirahan sa mga tabing bundok ang mga tao.

Mauulit pa ang mga nangyari sa Davao de Oro hang­ga’t walang batas na nagbabawal sa mga lugar na po­sibleng gumuho ang lupa sa panahon ng tag-ulan. Noon, nagkaroon na ng panukalang ipagbawal ang pag­tira sa mga gilid ng bundok, pampang ng ilog, sapa at mga estero pero ningas kugon lang ang lahat. Kapag may

Read more on philstar.com