Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Ex-Cabinet official, ‘dawit’ sa illegal POGOs | Pang-Masa

SINO kaya itong dati raw Cabinet official na ‘protektor’ at nag-lobbied sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Mukhang lumalawak na talaga ang kontrobersiya sa POGOs.

Ito ang ibinunyag ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR ) na nagsabing isang dating matataas na government official ang umano’y protektor ng illegal POGO na kamakailan lamang ay sinalakay dahil sa illicit  activities.

Hinikayat ni PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco, ang mga awtoridad na imbestigahan ang umano’y partipasyon ng dating government official sa pagbibigay ng lisensiya sa mga POGO operators na may ­kuwestionableng backgrounds.

Bagamat tukoy na ng tanggapan kung sino ito, hindi muna  binanggit ni  Tengco ang pangalan ng  dating government official subalit tiniyak nito na  ilulutang niya ito sa tamang lugar at kung paano kumalat at lumaki ang mga ilegal na POGOs sa bansa.

Kailangan umano na lumabas ang  katotohanan kung paano nabigyan ng  lisensiya o permit ang  nasa  298 POGO, dahil nasa 43 lamang ang may lisensiya.

Kailangan umanong mapanagot ng pamahalaan ang sangkot sa ganitong mga ilegal na gawain kabilang ang illegal operators lalo’t higit ang ‘backers’ o protektor ng mga ito na mga naglilingkod sa gobyerno.

Talagang marami nang nadadawit sa mga ilegal na POGOs sa bansa.

Dating opisyal ng pamahalaan, kasalukuyang nanunungkulan, meron pa ngang mga opisyal at tauhan umano ng pulisya.

Malaking kontrobersiya na ang nilikha nito, ibig lang sabihin malaki ang kita dito na hindi naman napupunta sa kaban ng bayan kundi sa bulsa ng ilang tiwaling indibiduwal.

Hihintayin natin ang naturang pagbubunyag kung sino ito Ex-Cabinet Secretary na pinabubusisi ng PAGCOR.

Read more on philstar.com