DENR, DA kakalampagin ngayon ng mga protesters | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Dahil sa matinding delubyo ng landslide na kumitil ng 37 buhay sa Davao de Oro at matinding inflation sa presyo ng bigas, nakatakdang magdaos ngayong Pebrero 12 ng kilos protesta ang militanteng grupo sa pangunguna ng Gabriela sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.