Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Finals spot target ng Cool Smashers | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi pa makukuntento si Jema Galanza hanggang hindi nakukuha ng Creamline ang finals berth para sa pagdedepensa ng kanilang korona.

“Malayo pa, hindi pa tapos eh. Kumbaga, ako hindi pa ako nasa-satisfy sa nilalaro namin kasi wala pa kami sa dulo so malalaman namin iyan kapag nandoon na kami sa goal namin,” ani Galanza.

Umiskor ang Creamline ng 27-25, 23-25, 27-25, 26-24 panalo sa Petro Gazz para sa pareho nilang 1-1 baraha sa single-round robin semifinals ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

May 2-0 record ang Choco Mucho habang nasa ilalim ang Chery Tiggo sa 0-2 marka.

Haharapin ng Cool Smashers ang Crossovers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang upakan ng Flying Titans at Gazz Angels sa alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kung magkakaroon ng pagtatabla sa No 2 spot ay itatakda ang isang knockout playoff match para sa magbubulsa ng ikalawang finals ticket.

Ang gold medal ay pag­lalabanan sa best-of-three series kagaya ng agawan sa bronze medal.

Sa ikalawang laro, target ng Flying Titans na mapitas ang inaasam na finals ticket sa pagsagupa sa Gazz Angels.

Read more on philstar.com