Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Gurong nanermon ng estudyante sa Tiktok video ‘di parurusahan – Sara | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala umanong parusang ipapataw ang Department of Education (DepEd) laban sa isang public school teacher na nag-viral matapos na manermon ng mga estudyante habang naka-live sa isang Tiktok video.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, nakita niya ang paliwanag ng ‘di pinangalanang guro at inatasan ang regional director na huwag na itong patawan ng parusa.

Sa halip, dapat aniyang paalalahanan ito na maghinay-hinay muna kapag nakakaramdam ng galit.

Anang bise presidente, nauunawaan niyang tao lamang din ang guro at umaabot talaga sa punto na nagagalit at napu-frustrate ito.

“This is especially true sa mga teachers dahil ang teachers natin hindi lang isa na tao ang kausap nila. Ang isang klase ay merong from 25 to 45, sometimes 55 students,” pahayag ni Duterte.

“Lahat tayo inaabutan ng galit ani Duterte. Ang dapat natin maintindihan ay kung anong gagawin natin kung tayo ay galit na. And that is why pinasabihan ko iyong teacher.”

Sa sandali aniyang hindi na galit ang guro ay saka na lamang ito magklase muli.

Sinabi pa ng bise presidente na hindi rin umano alam ng guro na naka-online siya sa recording ng video.

Samantala, idinagdag pa ni VP Sara na ang mga estudyante na nakaramdam ng discomfort habang pinapagalitan ng guro ay maaaring sumailalim sa psychosocial support.

Read more on philstar.com