STEM curricula para sa 2 Makati public schools, aprub sa DepEd | Pilipino Star Ngayon
BALITANG-BALITA ang outbreak ng pertussis o whooping cough sa ilang lungsod sa Metro Manila. Dito po sa atin sa Makati, zero cases po tayo ng sakit na ito, pero mas mabuti po ang mag-ingat upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.
Para sa mga magulang, paalala po na pabakunahan ang inyong mga anak laban sa pertussis. Libre po ang bakuna para dito at ibinibigay ito as early as six weeks old. May tatlong doses ang pertussis, kasabay ng diphtheria at tetanus.
Ayon sa Department of Health, ang unang dose ay ibinibigay ng 1 1/2 months; ang ikalawa ay 2 1/2 months; at ang huling turok ay kapag 3 ½ months old na si baby. Libre po ito sa mga health center.
Kung sakaling hindi pa po nabibigyan ng bakuna ang mga baby, pumunta po agad sa health center para magpabakuna. Pakiusap po, huwag nating ilagay sa panganib ang kalusugan ng mga bata.
* * *
Katulad ng nakaugalian, naghanda ang lungsod ng activities para sa paggunita ng Semana Santa.
Panata na namin nina Luis at Martina tuwing Huwebes Santo ang mag-ikot sa kalbaryo/kubol at makiisa sa pagdarasal. Mayroon tayong 75 kalbaryo sa barangay Poblacion at Guadalupe Viejo ngayong taon.
Ang kalbaryo ay isang kapilya na itinatayo tuwing Semana Santa ng mga deboto. Maraming residente at bisita ang pumupunta sa mga kalbaryo para sa pabasa.
Bukod dito. nakahanda po ang mga simbahan sa Makati para sa Visita Iglesia. May 15 simbahan sa ating lungsod na pwedeng puntahan ng mga deboto ngayong Holy Week. Para sa kumpletong listahan at lokasyon ng bawat simbahan, bisitahin lamang ang MyMakati FB page.
Hangad ko po ang isang mapayapa at makabuluhang Semana Santa para sa lahat.