Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Haze’ sa NCR, bumubuti na - PAGASA | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng isang weather specia­list ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bumubuti at nabawasan na ang “haze” sa National Capital Region (NCR).

Ito’y matapos na magkaroon ng matinding smog sa rehiyon noong Biyernes na ayon sa mga eksperto ay dulot ng polusyon mula sa mga sasakyan na bumalot sa kalangitan at nagpababa sa kalidad ng hangin.

Sa isang media interview, nilinaw ni Rhea Torres ng PAGASA na palagi namang present ang haze. Noong Biyernes aniya ay pinalala lamang ito ng pheno­menon na tinatawag na thermal inversion, na nagaganap kapag nakulong ng mainit na hangin ang mas malamig na hangin, kabilang na ang mga pollutants mula sa mga sasakyan at mga industriya.

Maoobserbahan pa rin aniya sa ngayon ang haze sa NCR ngunit hindi na ito kasing lala ng smog noong Biyernes, na ­unang pinangambahan na mula sa bulkang Taal at nagresulta pa sa kanselasyon ng klase sa mga paaralan at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Hinikayat din naman ni Torres ang mga residente ng Metro Manila na patuloy na magsuot ng face mask dahil sa patuloy na banta ng polusyon sa mga urban areas.

Inaasahan umano nila na magkakaroon na ng mas mahusay na kalidad ng hangin sa mga susunod na araw ngunit posible rin aniyang magkaroon pa rin ng “bad haze day” kung magkakaroong muli ng thermal inversion.

Read more on philstar.com