Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Jinggoy Estrada guilty sa bribery, inabswelto sa 'plunder' kaugnay ng PDAF scam | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inabswelto ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong pandarambong kaugnay ng pangungurakot ng P183 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel — pero maaari siya makulong ng 12 taon.

Ito ang inanunsyo ng anti-graft court ngayong Biyernes matapos umabot ng halos 10 taon ang kasong Hunyo 2014 pa inihain.

Gayunpaman, napatunayang nagkasala si Estrada sa isang count ng "direct bribery" at dalawang counts ng "indirect bribery," ayon sa Sandiganbayan.

Dahil diyan, maaari siyang makulong nang hanggang walo hanggang siyam na taon para sa unang conviction at dalawa hanggang tatlong taon sa ikalawa. Pwede pa niya itong iapela.

Isa ang senador sa mga inginuso ng dalawang state witnesses kaugnay ng kaso, kabilang na ang diumano'y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Una nang napatunayang guilty si Napoles dito.

Dati nang nakulong sa Philippine National Police Custodial Center si Jinggoy bago makapagpiyansa noong 2017.

Maliban kay Estrada, ilan pa sa mga idinidiin sa kaso sina Sen. Bong Revilla Jr. at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

Ang PDAF scam ay isang multi-million peso scandal kaugnay ng discretionary funds ng mga mambabatas, bagay na idineklarang labag sa 1987 Constitution ng Korte Suprema.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

Read more on philstar.com