Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Joshua, iniwan na si Bimby kay Kris! | Pang-Masa

Ngayong Lunes pa ang confinement ni Kris Aquino sa UCLA Medical Center in Los Angeles, California.  Ito’y ayon na rin sa kanyang boyfriend, ang Batangas vice-governor na si Mark Leviste.

Dinalaw si Kris sa inuupahan nitong bahay sa Orange County, California, USA ng kanyang sister na si Viel Aquino-Dee at nanatili ito roon ng limang araw at bumalik din agad ng Pilipinas kasama ang panganay ni Kris na si Joshua. Naiwan naman ang bunso ng Queen of All Media na si Bimby na ayaw iwan ang kanyang ina.

Sina Viel at Joshua na nakabalik na ng Pilipinas ay inihatid sa L.A. airport nina VG Mark at Bimby.

Kyla at Rich, tanggap na solo lang ang anak

Mukhang mananatiling mag-isa lamang ang anak ng mag-asawang Kyla at Rich Alvarez ang kanilang 10-year-old son na si Toby dahil limang beses nakunan ang R&B singer-songwriter and occasional actress sa kanyang ex-cager husband.

Thirteen years nang mag-asawa sina Kyla at Rich at makailang beses nilang sinubukang magkaroon ng kapatid ang kanilang panganay pero ito’y nauuwi sa miscarriage – dalawang beses nung 2018, isang beses nung 2021, another in 2022 at ang pinaka-latest ay nung December 2023.

Naniniwala ang mag-asawa na may ibang plano si Lord para sa kanila na manatiling mag-isa lamang ang kanilang anak.

Apat na taon nang mag-asawa ang celebrity couple, ang pop superstar na si Sarah Geronimo at ang kanyang singer-actor, army reservist at entrepreneur husband na si Matteo Guidicelli. The couple celebrated their 4th wedding anniversary nung nakaraang Feb. 20, 2024.

Since hindi pa nabibiyayaan ang mag-asawa ng anak, enjoy sila sa pagi­ging fur parents ng kanilang limang aso.

Samantala, may nagsabi sa amin na okey na umano ang relasyon ni Sarah sa kanyang parents pero hindi pa umano si Matteo.

Handang-handa na ang mag-asawang Matteo at Sarah na magkaroon ng baby pero habang wala pa ay patuloy lamang na ini-enjoy ang kanilang bon­ding na sila lang.

Sina Sarah at Matteo ay nagpakasal sa isang intimate Christian wedding ceremony sa Victory church in BGC with Pastor Paolo Punzalan who officiated the rites nung Feb. 20, 2020 na naging daan ng pagwawala ng ina ni Sarah na si Mommy Divine dahil itinago ito sa kanilang mag-asawa at sa

Read more on philstar.com