Madilim na Christmas para sa mahihirap na Pinoy sa MM! | Pilipino Star Ngayon
Sa pangalawang taon ni President Bongbong Marcos sa trono, ang Paskong ito ang tiyak na pinakamalungkot para sa mahihirap sa history ng Metro Manila. Hindi malaman ng mga mahihirap kung saan sila kukuha ng pambili ng handa para sa kani-kanilang pamilya sa Noche Buena sa December 24 at New Year. Bakit?
Ang itinuturong dahilan ng mga mahihirap ay ang “no-take-policy” ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez na nagbunga sa kawalan nila ng munting pagkakakitaan. Kararampot na nga lang ang pumapasok sa kanilang bulsa, eh nawala pa. Dipugaaaaa! Eh wala namang maibigay na trabaho sa kanila si BBM. Mismooooo! Hehehe! Sana iwaksi ng mga mahihirap sa isipan nila ang pagbenta ng droga o sumawsaw sa krimen para kumita.
Naghihikahos na ang buhay ng mga mahihirap sa Metro Manila mula nang maupo si Nartatez bilang NCRPO chief apat na buwan na ang nakararaan. Kung dati-rati may pumapasok na barya sa kanilang bulsa sa pagiging kubrador ng kung anu-anong sugal lupa, abayyyyy nahinto ang tulo ng gripo nang mahigpit na ipatupad ni Nartatez ang “no-take-policy” niya. Anyare?
Nagsarahan ang mga maliliit na financier ng sugal lupa samantalang ang malalaking bangka naman ay tuloy lang ang operation dahil “rekta” sila. Araguyyyyy! Mga gurami lang ang kaya ni Nartatez? Tanong lang po. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil Pasko na nga, ang buong akala ng mga financiers ay lalambot ang puso ni Nartatez subalit nagkamali sila. Hanggang kahapon, walang palatandaan na naantig si Nartatez sa sitwasyon ng mga mahihirap sa Metro Manila. Ang masama n’yan, kung sarado ang sugal lupa sa Kamaynilaan, sa ibang parte naman ng Pinas abayyyyy rumaratsada na sila. Mismooooo!
Hindi naman makapagbukas ang maliliit na financiers sa takot na masagasaan sila ng R2 at RSOG at malaking pitsa ang mawawala sa kanila. Di baleng mawala ang kapital nila na mula P30,000 hanggang P50,000, ‘wag lang mahulihan ng operating unit ng NCRPO at malaking piyansa ang ilalabas nila, Halimbawa, mahulihan sila ng anim na kubrador, abayyyyyy tumataginting na P30,000 kada isa o P180,000 sa kabuuan ang mawawaldas sa bulsa nila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Ano pa nga ba?
Sa totoo lang,