Magnitude 5 na lindol niyanig Batangas ngayong 'Friday the 13th,' umabot sa NCR | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na magnitude 5 na lindol sa probinsya ng Batangas, bagay na nadama hanggang sa Metro Manila at posibleng magdulot ng mga pinsala, ayon sa state seismologists.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol timogkanluran ng Calaca, Batangas bandang 8:24 a.m. ngayong Biyernes ng umaga.
#EarthquakePH #EarthquakeBatangas#iFelt_BatangasEarthquake
Earthquake Information No.1
Date and Time: 13 October 2023 - 08:24 AM
Magnitude = 5.0
Depth = 014 km
Location = 13.89°N, 120.78°E - 005 km S 39° W of Calaca (Batangas)https://t.co/vtdnaiUdGP pic.twitter.com/2n76fW5nhj
Inaasahan ng Phivolcs ang mga pinsala at aftershocks kaugnay ng lindol na ito.
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito