Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Marcos nais imbestigahan 'hindi kilalang' Alice Guo | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya kilala si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, bagay na pinararatangang Chinese citizen, "espiya" at diumano'y protektor ng na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Nasasangkot ngayon si Guo sa kontrobersiya habang ipinagtataka nang marami kung paano siya naging alkalde sa gitna ng kwestyon sa pagkamamayan, late birth registration, kawalan ng impormasyon tungkol sa lugar ng kapanganakan, school school records, atbp.

"Paano siya tumakbong mayor? Kilala ko lahat ng mga taga-Tarlac na pulitiko eh. Walang may kilala sa kanya. Kaya nagtataka ako saan nanggaling ito?" ani Bongbong sa panayam ng media sa Cagayan de Oro nitong Huwebes.

"Bakit ganito ito? Hindi namin maalaman. Kaya kailangan talagang imbestigahan... Dahil ni-raid natin 'yung [POGO na iniuugnay sa human trafficking] sa Bamban. Nakita 'yung mga dokumento, kinukwestyon ngayon natin 'yan kung talagang totoo itong mga ito."

'KAILANGAN TALAGANG IMBESTIGAHAN.'

Ito ang sinabi ni Pres. Bongbong Marcos sa patuloy na pagbusisi sa pagkakakilanlan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isinasangkot sa illegal POGO operation. #News5 pic.twitter.com/I0wqysIUgg

Sa ilalim ng Section 39 (a) na Local Government Code of the Philippines, kinakailangang Filipino citizen, registered voter at residente sa tinatakbuhaang lugar ang mga nais kumandidato.

Nag-post si Guo sa Facebook ng mga larawan dalawang taon na ang nakalilipas na nagpapakitang nakaharap niya ang dating presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Ayon sa Facebook post, siya ay nagpapasalamat dahil siya ay "naimbitahan" para masaksihan ang proclamation rally ng UniTeam.

"Maraming salamat po sa susunod na Presidente at Bise-Presidente ng ating Bansang Pilipinas, walang iba kundi si Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Inday Sara Duterte," ani Guo sa Facebook noong ika-8 ng Marso 2022.

"Masaya po ang inyong lingkod at naimbitahan nyo po ako na masaksihan ang inyong napakasuccessful na proclamation rally. Dito ko na rin po pormal na inimbitahan ang BBM-SARA Uniteam na dumayo at tumuloy sa mahal nating Bayan ng Bamban."

Ika-2 ng Abril 2022 nang sabihin ni Guo sa kanyang proclamation

Read more on philstar.com