Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Merry Christmas!': P310-M lotto jackpot solong napalanunan | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasalubungin ng nag-iisang mananaya ang Pasko bilang multi-milyunaryo matapos masungkit ang P310 milyong jackpot prize para sa Superlotto 6/49.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Martes nang mabunot ang sumusunod na lucky combination na solong tinamaan: 30-16-33-12-29-25.

Wala pang detalyeng inilalabas ang tanggapan kung saan nabili ang winning ticket kahit kadalasan itong isinasapubliko isang araw matapos ang lotto draw.

Kinakailangang makubra ang naturang papremyo sa loob ng isang taon. Magiging bahagi ng Charity Fund ng PCSO ang pera kung sakaling hindi ma-claim sa takdang panahon.

Sa kabila nito, hindi maiuuwi ng lucky winner ang kabuuan ng P310,696,635.40 jackpot prize dahil sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Dahil sa naturang batas, lahat ng mga lotto winnings higit sa P10,000 ay saklaw ng 20% tax.

Lumabas ang balitang ito ilang araw matapos simulan ng PCSO ang kanilang online E-Lotto services, bagay na maaari na ring mag-cater pati sa mga banyaga at overseas Filipino workers (OFWs).

Read more on philstar.com