Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Mission complete!--Cone | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na nakumpleto ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang misyon nito na masungkit ang gintong medalya sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.

May 25 taon na ang nakalipas nang bigo na makuha ni Cone ang ginto sa 13th Asian Games sa Bangkok, Thailand kung saan nagkasya sa tanso ang Centennial Team na hawak nito.

Kaya naman masa­yang masaya si Cone na nabigyan nito ang buong sambayanan ng pagkakataon para magdiwang matapos ang tagumpay ng Gilas sa Asian Games.

Itinarak ng Gilas ang 70-60 panalo kontra sa Jordan sa gold-medal match para putulin ang mahigit anim na dekadang pagkauhaw ng Pinoy squad sa ginto.

“After beating Iran by a point, then finding a way with that miraculous win over China by one point, just an unexplaina­ble fee­ling we now have, see­mingly coming from nowhere to win this gold medal,” ani Cone.

Nagpasalamat si Cone sa lahat ng Pilipinong sumuporta sa kanilang kampanya.

Excited na itong umuwi sa Pilipinas para maibahagi ang tagumpay na kanilang nakamit.

“We know this means so much (to Filipino fans). We are passionate about basketball. And for us to be able to do that for our countrymen was such a huge thing.  We can’t wait to get home and share it with them when we get back,” dagdag ni Cone.

Alam ng lahat ang pinagdaanan ng Gilas.

Ilang araw lamang ito nag-ensayo na magkakasama dahil sa problema sa lineup.

Saludo si Cone sa buong tropa nito sa pangu­nguna ni naturalized player Justin Brownlee kasama sina June Mar Fajardo, Chris Newsome, Ange Kouame, Scottie Thompson at Calvin Oftana na nagbigay ng magandang laro.

Read more on philstar.com