Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Niño Muhlach naibenta ng P500,000 ang kanyang FAMAS award, ilalagay sa museo | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binili ng isang YouTuber-collector ang napalanunang award ng komedyante't dating child actor na si Niño Muhlach, bagay na umabot sa halagang kalahating milyong piso.

Dinayo kasi ni Niño ang set ng Boss Toyo Production kamakailan habang dala-dala ang kanyang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) trophy para sa pagkilalang Best Child Performer noong 1977.

"Kung saka-sakali, ang habol ko lang talaga is ma-restore 'yan at mailagay mo roon sa sinasabi mong museum mo. Parang legacy ko so everyone can see it," sabi ng aktor sa content creator na si Boss Toyo (kilala bilang Jayson Luzadas sa totoong buhay).

"Kasi sa bahay hindi mo na nakikita eh. Kita mo nga, sabi ko, napapabayaan lang. Dahil ang dami ko ring ibang awards eh."

Ayon sa restoration expert na tumingin sa trophy, binaluan pa ng ginto ang naturang award ng aktor. Hindi naman daw maaapektuhan ng pagpapa-restore ang halaga nito, basta't ang may ari nito ang nag-utos.

Paliwanag ni Boss Toyo, siya mismo ang nag-request kay Niño na masilip ang ilan sa kanyang artifacts habang umaasang mabibili ang isa sa kanyang FAMAS award. Isa lang ito sa limang awards ni Muhlach.

"Hindi siya pumunta talaga rito para ibento 'to. At ako 'yung nag-request kasi sabi ko nga, kung meron akong gustong makuhang FAMAS child actor [award] is 'yung kay idol Niño," ani Boss Toyo.

"Ang hirap presyuhan ng isang Niño Muhlach. Priceless eh... P500 [thousand]!"

Pumayag sina Niño at kanyang mga anak sa naturang halaga basta't aalagaan ito't ire-restore.

Wala raw plano si Boss Toyo na ibenta ang naturang FAMAS trophy at ipinangakong ipapamana ito sa mga magiging anak.

Dati nang may nagtangkang bumili kay Boss Toyo sa Urian Best Actor trophy ng noo'y child star na si Jiro Manio sa halagang P200,000, bagay na kanya raw tinanggihan.

Tinaguriang "Child Wonder of the Philippines" si Muhlach, na siyang may hawak ng record bilang high-paid child actor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Pinsan ni Niño ang aktor na si Aga Muhlach.

Read more on philstar.com