Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Papansin': Andi Eigenmann bumwelta vs babaeng kasama ng partner sa TikTok | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinastigo ng aktres na si Andi Eigenmann ang isang babae matapos makitang "napaka-friendly" ng nabanggit sa kanyang kinakasamang si Philmar Alipayo sa isang TikTok video.

Kaugnay ito ng post ng isang Crissa Liaging kamakailan. Makikikita rito kung paano ilapit ni Philmar ang kanyang ulo palapit sa babae habang tumitingin sa mukha. 

Kapansin-pansin din sa video ang pabirong pagsipa ni Alipayo sa binti ni Crissa habang hawak ang kanyang baywang. Si Philmar at Andi ay maay dalawang anak.

"For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!!!" wika ni Crissa sa paskil, bagay na may background music pang "Weak." 

For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!!! ????

Agad namang nag-react ang aktres sa naturang video, at halatang bad trip na bad trip.

Kanyang pagdidiin, sadyang in-edit ang video para makakuha ng atensyon online.

"He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that," ani Andi sa kanyang Instagram story nitong Lunes.

"What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity; just for some social media attention."

Sinundan naman ito ng IG story ni Andi ngayong araw kasama niya ni Philmar sa Happy Islanders Surf Club sa Siargao, lugar kung saan sila nakatira.

Inilinaw naman ni Liaging sa hiwalay na TikTok video na hindi sila naglalandian ni Alipayo sa naturang video lalo na't may kasama rin daw silang ibang tao noong panahong 'yon. Gayunpaman, sadyang hindi lang daw ito nahagip ng camera.

Sa kabila nito, aminado naman siyang nagkamali siya sa pagbabahagi ng video na siyang na-misinterpret ng fans sa internet.

Disyembre 2020 pa lang ay engaged na sina Andi at Philmar. Una nang sinabi ng magkarelasyon na ipinagpaliban nila ang kanilang kasal ngayong 2024 matapos matapos mamatay sa atake sa puso ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

Read more on philstar.com