Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

NU pinigil ng La Salle | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pina-amo ng De La Salle University ang National University matapos igapos ang 88-78 panalo sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena kahapon.

Pinana ng Green Archers ang pangatlong sunod na panalo para ilista ang 6-3 karta at tumibay ang kapit sa No. 3 spot sa team standings.

Tumipa si Kevin Quiambao ng triple-double na 20 points, 14 rebounds at 10 assists para sa La Salle na pinigil ang limang dikit na pananalasa ng NU.

Ipinaramdam ng La Salle ang kanilang lakas sa u­nang dalawang quarters, nang iwanan nila ang Bulldogs ng 11-point lead, 50-39 sa halftime.

Nanatili ang mainit na laro ng Taft-based squad sa second half patungo sa kanilang panalo.

Sa unang laro, tinuldukan ng University of the East Red Warriors ang five-game losing streak matapos nilang tambakan ang University of Sto. Tomas 86-73.

Tangan ng Red Warriors ang 3-6 karta, nasa pang pito sila ng team standings pero buhay pa rin ang kanilang tsansa sa playoffs.

Tumikada sina Precious Momowei, at Abdul Sawat ng tig-17 puntos upang akbayan ang Recto-based squad sa panalo at ibaon lalo sa ilalim ang Growling Tigers na nagtala ng 1-8 baraha.

Naghabol ang Growling Tigers ng 17 points sa third quarter at naibaba nila ito sa 10, ngunit nag-init ang opensa nina Migs Pangi­linan at Nic Cabañero para muling agawin ang trangko sa 59-69  may 7:44 minuto pa sa fourth quarter.

Read more on philstar.com