Opening ng UAAP Season 87 maaksyon | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon tatlong basketball tournaments ang magsasabay-sabay na idaraos sa unang semester.
Kaya inaasahang bongga ang pagbubukas ng UAAP Season 87 na iho-host ng University of the Philippines.
Masisilayan ang bakbakan sa collegiate men’s, collegiate women’s at junior high school boys’ basketball.
Magsisimula ang aksyon sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Magkakaldagan agad ang magkaribal sa Katipunan na Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons sa alas-6:30 ng gabi habang ang opening ceremony ay sisimulan sa alas-11 ng umaga.
Plano ng season host UP na maging maningning ang opening ceremony, masisilayan ng mga fans ang mga talento mula sa eskuwelahan at pagtugtog ng sikat na bandang Eraserheads.
“Our opening ceremony is a celebration of the spirit of unity amid rivalry that defines the UAAP. This year, we aim to celebrate not only the competitive edge of our universities but also the camaraderie and a shared passion that brings us together.” ani UAAP Season 87 President at UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo L. Vistan II, LLM.
Samantala, 11 matches ang naka- iskedyul na maglalaban kinabukasan (Linggo), apat na juniors at dalawang women’s games na lalaruin sa Adamson University gymnasium.
Dalawang women’s at tatlong men’s matches ang magkakaldagan naman sa Big Dome sa Quezon City.