Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

P50,000 minimum wage para sa pampublikong guro inihain sa Kamara | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang inihain ng mga kinatawan ng progresibong Makabayan bloc ang panukalang itaas ang minimum na sweldo ng mga pampublikong guro patungo sa P50,000.

Ito ang ibinalita ng ACT Teachers party-list ngayong Martes sa paghahain ng House Bill 9920, o "Increasing the Minimum Salaries of Public School Teachers to P50,000 and Appropriating Funds Therefor."

"Layunin ng panukalang batas na ito na taasan ang minimum wage ng mga guro, na matagal nang napag-iwanan at hindi na nakasasapat," wika ng ACT Teachers party-list sa isang paskil sa X (dating Twitter).

"Ito ay matagal nang ipinaglalaban ng ACT Teachers PL dahil noon pa man ay salat na salat na ang sweldo ng mga guro."

ITO NA ANG PINAKA-INAANTAY NATIN, TEACHERS! ?????‍????????‍????

Nagfile ang Makabayan Bloc ng House Bill No. 9920 o An Act Increasing the Minimum Wage Salaries of Public School Teachers to P50,000 and Appropriating Funds therefor.

1/2#SahodItaas#50KDapat#SalaryIncreaseNow pic.twitter.com/wmedQMqjZ7

Maliban sa ACT Teachers party-list, kabilang sa mga naghain ng panukala ang mga kinatawan ng Kabataan party-list at Gabriela Women's Party.

Taong 2020 pa nang huling maamyendahan ang Salary Standardization Law. Sa ilalim nito, Salary Grade 11 ang iniuuwing sahod ng ilang mid-level personnel gaya ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Katumbas ang Salary Grade 11 ng P22,316 hanggang P24,391 buwanang sagod.

Wala pa ito sa P25,946/buwan na family living wage (FLW) para sa mga pamilyang nakatira sa Metro Manila, ayon sa estima ng IBON Foundation.

Sinasabing ang FLW ang ideyal na halagang kailangan ng pamilyang may limang miyembro para mabuhay nang disente.

"As one goes lower in salary grade — clerks, administrative aides, down to the janitorial positions — the poorer he or she gets," wika ng explanatory note ng Makabayan bloc.

"Those who need additional finances most are given mere loose change — for one in Salary Grade 1, an average of P483 annual increase, to be exact."

Inihain ang HB 9920 habang pinaplano ng Senado ang pag-apruba ng dagdag P100 sa arawang minimum wage ng mga manggagawa, bagay na pinapalagan ng Department of Labor and Employment at ilang employers.

Matatandaang

Read more on philstar.com