Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Pagdiriwang ng Father’s Day para sa modern-day tatays | Pilipino Star Ngayon

Malaki ang pagkakaiba ng mga ama noon at ngayon. Ang mga ama ngayon ay nahaharap sa iba't ibang klase ng hamon bunsod na rin ng mga pagbabago sa kanilang mga responsibilidad na umuusbong naman sa nagbabago ring mga pamantayang panlipunan.

Isa sa mga pagbabagong ito ay nagmumula sa mga isyu ng pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa loob mismo ng tahanan.  Lipas na ang mga panahon kung saan nananatili sa bahay ang mga babae habang ginagampanan ng lalaki ang tungkulin bilang nag-iisang breadwinner. Bilang isang lipunan, karamihan sa atin ay tinanggap na ito bilang positibong pagbabago sa ating mga tahanan. Kasama kami riyan ni Nonong. At sa pagpupursige naming dalawa sa mga sarilli naming career, nangangahulugang kailangan ng mga mag-asawang gaya namin na magkaroon ng magandang work-life balance.

Kailangang malaman ng isang mabuting amang kung paano hanapin ang balanse sa trabaho at pamilya.  Hindi niya dapat hayaang mahuli ang kanyang pamilya.  Bilang isang media professional na marami ring pinagkakaabalahan, batid ko kung gaano kahirap balansehin ang career at responsibilidad sa pamilya. 

Nagpapasalamat akong pareho kami ni Nonong na binibigyang prayoridad ang aming pagiging magulang. Lagi naming inilalagay sa aming isipan kung gaano kahalaga at hindi mapapalitan ang aming pagbubuklod bilang isang pamilya.

Ang pagiging responsableng ama ay mahalaga para sa maayos na paghubog at pag-aalaga sa ating mga anak.  Napatunayan na ng mga pag-aaral na kapag matibay ang relasyon ng mga bata sa kanilang mga ama, maganda ang performance ng mga anak pagdating sa pag-aaral, nagpapakita sila ng emotional intelligence, at sa kanilang sariling pagpapamilya ay nagiging mas mahusay pa silang mga magulang.

Masuwerte akong magkaroon ng isang Nonong, isang maasahan at tapat na ama sa aming tatlong pinakamamahal na anak na babae. Bilang kanyang misis, personal kong nasaksihan ang iba pang mga hadlang na kinakaharap ng mga tatay ngayon. Kaya importanteng magkaroon ng panahong tulad ng Father's Day para tulungan silang mag-recharge.

Mahalaga ang pag-aalaga sa sarili o self-care, lalo na para sa mga ama, upang sila’y makapag-recharge at manatiling inspirado sa kabila ng

Read more on philstar.com