Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PAGs at guns-for-hire, target ng Calabarzon PNP! | Pilipino Star Ngayon

Malapit na ang 2025 midterm elections kaya pinaigting ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang kampanya laban sa loose firearms. Hindi lang ‘yan, nais ding sampolan ni Lucas ang mga gun-for-hire o private armed groups at katunayan may natodas na sila sa San Juan, Ba­tangas kung saan dalawang pulis ang nasugatan.

Ang mga gun-for-hire at PAGs mga kosa ay kalimitang kinukuha ang serbisyo ng mga pulitiko para manghasik ng lagim bago mag-election kaya nasa tamang landas si Lucas. Get’s n’yo mga kosa? Kaya sa mga may hawak ng illegal na baril d’yan, isuko n’yo na ang mga ito “for safe­keeping” bago kayo bisitahin ng Calabarzon police at maengkuwentro pa. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito!

Hindi lang naman ang 2025 elections ang pinaghahan­daan ni Lucas kundi maging ang pagpasok ng “ber” months. Base kasi sa experience, tumataas ang bilang ng kriminalidad tuwing “ber” months kaya’t ang Calabarzon police ay alerto na dito. Inaamin naman ni Lucas na marami pa ang nagkalat ng samu’t saring baril sa Southern Tagalog, next only sa National Capital Region.

Hindi puwedeng lokohin si Lucas sa figures na ito dahil galing s’ya sa Firearms and Explosive Office kaya alam niya ang kalakaran kapag loose firearms ang pag-uusapan. Eh di wow! Para lalong magiging matagumpay ang kampanya nila versus loose firearms, hinikayat ni Lucas ang komunidad na ireport ang mga gun-for-hire o PAGs sa kani­lang mga lugar para ma-neutralize ang mga ito at hindi na ma­kapag-umpisa ng gulo. Dipugaaa!

Habang naka-deploy ang kanyang mga tauhan para sa Bagyong Enteng, nagsagawa naman ng press briefing­ si Lucas nitong Martes sa Camp Vicente Lim para i-report ang kanyang accomplishments laban sa loose firearms. Aniya, nagsagawa ng 60,332 operations ang kanyang kapu­lisan mula Enero hanggang Agosto 31 at nakarekober sila ng 2,929 na samu’t saring baril.

Ang accomplishments ay na-record nila sa pamamagitan ng pag-implement of search warrants, checkpoints, ser­bisyo ng warrants of arrests, Oplan Bakal/Sita, police patrols at responses at Oplan Katok. Sa narekober na mga baril, 991 ang nakumpiska samantalang 938 ang para sa safe­keeping. At higit sa lahat, 612 katao ang inaresto at 607

Read more on philstar.com