Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PBA imports ipaparada sa Media Day ngayon | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipapasilip ng 12 PBA teams ang kanilang mga koponan sa dalawang araw na Media Day ngayon at bukas sa One Esplanade sa Pasay City bago ang inaabangang pagbubukas ng Season 48 sa Nobyembre 5.

Unang sasalang ang Talk ‘N Text, Terrafirma, San Miguel, Rain or Shine, Phoenix Super LPG at NorthPort ngayon.

Bukas naman ang NLEX Road Warriors, Meralco Bolts, Magnolia Chicken Timplados Hotshots, Converge Fiber­Xers, Blackwater Bossing at Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.

Dito unang masusul­yapan ang mga pambatong imports ng kada koponan sa pangunguna ni dating Best Import Rondae Hollis-Jefferson ng TNT matapos maging kalaban ng Gilas Pilipinas nang maglaro para sa Jordan national team bilang bagong naturalized player nila sa FIBA World Cup at Asian Games.

Bibida rin ang ibang imports na sina Chris Ortiz ng Blackwater, Tom Vodanovich ng Converge, Tyler Bey ng Magnolia, Suleiman Braimoh ng Meralco, Thomas Robinson ng NLEX, Venky Jois ng NorthPort at Johnathan Williams ng Phoenix.

Swak din dito sina Dajuan Summers ng Rain or Shine, Tyler Stone ng San Miguel at Thomas de Thaey ng Terrafirma.

Si Gilas Pilipinas natura­lized player Justin Brownlee pa rin ang nakalista bilang resident import ng reigning champion Ginebra subalit wala pa itong kasiguruhan habang wala pang resulta ang imbestigasyon sa pagbagsak sa anti-doping test ng Asian Games.

Kagagaling lang ni Brownlee at ng Gilas sa makasaysayang kampeonato sa Asian Games sa China matapos ang 70-60 panalo kontra sa Jordan para sa una nitong gintong medalya matapos ang 61 na taon.

Read more on philstar.com